Kindness in words creates confidence.
Kindness in thinking creates profoundness.
Kindness in giving creates love.
Lao Tzu
BS. Computer Science Student at Baguio. Likes web designing, 3D modeling, photo
editing and stargazing...
Likes spending the night in front of his PC while sipping his hot mocha coffee.
Likes to be alone in his room so he can sing his songs, play his guitar and recite
his poems. Likes taking pictures while strolling around the city of pines alone.
Birthday - D-Day
.:. Favorites .:.
*Songs - Classical (strauss and sort), music by the Beatles, Coldplay
Mew, Travis, Sigur Ros, Oasis, Radiohead, Eraserheads, enya, Switchfoot
*Movies - K_Pax, Forrest Gump, Contact, My Sassy Girl, Far and Away, Disney
Movies, Sunshine, Monster House,Apocalypse Now, 3-Iron(Bin-Jip),Shrek movies
*Favorite Books(s):The Yin Yang of Programming, Bible, Quran, What the Buddha
Taught (Walpola Rahula) . Kiss of the Spiderwoman (a very gay book), Karaoke Song
Playlist, Beyond Good and Evil (Friedrich Nietzsche), Crime and Punishment (Fyodor
Dostoevsky), The Final Theory (Mark McCutcheon), God's Debris (Scott Adams), 40 Days
with the Poor (Frank Padilla), Piano for Dummies, Idiot's Guide for Dating, How to
draw a woman's body, Idiot's Guide for Verbal Self-Defense. Ilocano Survival Book,
Paolo Coelho Books. Harry Potter Books, Eve's Diary, Still have many books to
read...
*Favorite Pet(s):Dog and Cat lalo na
pagmagkasama sila
*Favorite Color: Blue and orange
*Favorite Quote/s: if p then q
  Sunday, June 17, 2007
May kwento rin ako tungkol sa isang experience na related sa father's day. Nangyari ito last year, father's day (June 11 yata). Sunday kasi nga ang Father's day ay ginaganap every 3rd sunday ng June. Nandun na naman ako sa SM at naglilibot-libot. Nagcacanvas lang ako sa bibilihin kong gadget. Madalas ganito lang ang ginagawa ko pagkatapos kong dumaan sa cathedral. Minsan din nagbabasa ako ng libro sa mga bookstores o sumasama sa isang sikat na volunteer group na gumagawa ng mga bahay. Ok.. Pagbaba ko sa escalator ay nakasabay ko itong isang lalaki na siguro ay mga mid-40 years old at mas malaki ako ng kaunti. Ngumingiti sa akin pero hindi ko naman alam ang dahilan. Binabasa pala niya yung nakasulat sa likod nung sweat shirt ko. "I'm feeling well!". Ngumiti din naman ako as a sign of appreciation. Naglalakad na ako ng mabilis pero nakakasabay pa rin siya. Akala ko, isang bading na naghahanap ng biktima kasi maputi siyang tao at mukhang malinis. Pero, gusto pa rin niya akong kausapin. Ininvite nya akong kumain kasi daw wala siyang kasama. Mas lumakas ang kutob ko na bading nga siya. Pero bigla kong narandaman na gutom na pala ako nun sa kalalakad at wala naman akong pera kahit piso(literally) nung mga time na yun. Inisip ko na lang na public place naman yung SM at kung yayain niya ako kung saan ay tatakbo na lang akong bigla pagkatapos kumain. Sumama naman ako kasi pagkain yun na libre. Tinanonng niya sa akin kung saan yung "Teri-yaki boy". Ang alam ko lang isang Japanese Restaurant iyon at di pa naman ako nakakapunta dun kasi madalas ang mga pumupunta lang dun ay yung may meeting na maramihan. Sa food court lang naman ako kumakain o sa simpleng fast food chain. Nahanap din namin pagkalipas ng ilang baba at akyat sa escalator. Maganda pala ang ambiance dun. Nagtataka naman ako dahil sa dami-dami ng tao sa SM ay ako pa ang napili niyang ilibre samantalang di naman kami magkakilala. Naisip ko lang na reason ay dahil ako lang siguro ang tao sa SM na naglalakad ng mag-isa. Mabait siya sa mga service team at minsan ay nagjojke pa sa kanila. Dahil Japanese restaurant yun lugar ay chopstick ang kailangang gamitin. Hindi ko alam kung marunong akong gumamit pero feeling ko naman ay may makukuha ako kahit kaunti. Nabigla naman ako nung sinabi niya na, "You have the a very good/ nice (di ko na alam yung exact words) body, ganyan din ang katawan ko nung mga kasing edad mo ako". Lalo namanng lumalakas ang kutob ko na may masamang balak yung lalaki kaya parang di ako mapakali sa kinauupuan ko. Habang kumakain kami at ako ay busy sa paghawak ng chopstick, kinuwento niya na biglang umuwi sa Manila yung driver niya kaya wala siyang kasama. Na-timingan lang daw niya ako sa escalator at mukha naman daw akong approchable. Kagagaling pala niya sa Camp John hay para sa isang meeting. Nagtratrabaho daw siya para sa HSBC Makati. Feeling ko nga ay mataas ang posisyon niya kasi may dala siyang malaking budget at naka-rubber band lang. Wala siyang wallet na parang hindi siya takot na malaglag lang kung saan-saan yung pera niya. Pinag-order niya ako ng san mig beer na hindi ko naman matanggihan. Halos isang taon na kasi akong tumigil uminom. May anak daw siyang babae na halos kasing edad ko na nag-aaral ng Law. Nag-aral daw siya ng Business Administration sa UP Diliman. Ako naman, nakatitig lang habang nakikinig sa mga kwento niya. Tinanong niya bigla kung panganay daw ako, sumagot naman ako ng "oo: at nagtanong kung paano niya nalaman. Sabi niya, nakikikita daw niya sa mga mata ko. Nag-aral din pala siya ng Pyscholoy at di ko pa alam kung paano yun nalalalman sa mata. Sabi daw nung ilang kakilala ko na maganda raw yung mata ko. Sabi ko na lang, bakit mata lang, sana buong mukha na lang para mas matuwa ako. Di ko na maalala yung iba naming pinag-usapan dahil medyo lasing na ako noon. Nasiyahan naman ako ng bandang huli kasi nangaral siya sa kin na parang tunay kong ama. Naisip ko, siguro ganito rin siguro kabait yung daddy ko sa ibang tao. Minsan kasi, may mga tatay na mas gustong mag-open sa ibang bata at may mga anak na mas komportableng mag-open sa iba. Kahit alam ko na minsan ay tinutukan ako ng baril ng daddy ko o minsan ay nag-aaway kami. Alam ko naman na mabait din siya sa ibang tao kaya nakuha niya ang respeto nila. Siguro epekto rin yun na ilang taon niya sa Jolo. Pagkatapos naming kumain, niyaya niya ako sa garage sa basement ng SM. Sumama naman ako kasi alam ko na hindi naman siya bading. Pag lapit namin sa kotse niya, tinanong niya kung may bag daw ako. Sumagot ako na may dala akong shoulder bag na medyo maliit. Kumuha siya ng ilang cans ng San Miguel Beer at binigay sa akin. Anim lang kasi yung kasya sa bag ko kaya yun lang ang tinanggap ko. Pagkatapos nun, nagpaalam na ako sa kanya at nagpasalamat.
Nung mga bandang rice na yung kakainin, sumuko na ako sa chopstick at nagrequest ng kutsara at tinidor. Sabi niya, ang ginagamit daw na rice ng Teriyaki ay mga Vietnam rice kasi medyo malagkit at iba yung hugis. Sabi kasi nung teacher namin sa Araling Panlipunan nung high school, noong kapanahunana nila mas maganda raw ang quality ng Rice sa Pilipinas at inferior ang tingin sa mga rice ng Vietnam at iba pang katabing bansa, samantalang ngayon ay nag-iimport na tayo sa kanila.
penned my thoughts
at [12:39 PM]
::ARCHIVES::
::RECENTS POSTS::
|
Blogskins radioblogclub.com blogger.com flickr.com friendster.com photobucket.com filepost.us 100webspace Myfilehut [...] |
|