Kindness in words creates confidence.
Kindness in thinking creates profoundness.
Kindness in giving creates love.
Lao Tzu
BS. Computer Science Student at Baguio. Likes web designing, 3D modeling, photo
editing and stargazing...
Likes spending the night in front of his PC while sipping his hot mocha coffee.
Likes to be alone in his room so he can sing his songs, play his guitar and recite
his poems. Likes taking pictures while strolling around the city of pines alone.
Birthday - D-Day
.:. Favorites .:.
*Songs - Classical (strauss and sort), music by the Beatles, Coldplay
Mew, Travis, Sigur Ros, Oasis, Radiohead, Eraserheads, enya, Switchfoot
*Movies - K_Pax, Forrest Gump, Contact, My Sassy Girl, Far and Away, Disney
Movies, Sunshine, Monster House,Apocalypse Now, 3-Iron(Bin-Jip),Shrek movies
*Favorite Books(s):The Yin Yang of Programming, Bible, Quran, What the Buddha
Taught (Walpola Rahula) . Kiss of the Spiderwoman (a very gay book), Karaoke Song
Playlist, Beyond Good and Evil (Friedrich Nietzsche), Crime and Punishment (Fyodor
Dostoevsky), The Final Theory (Mark McCutcheon), God's Debris (Scott Adams), 40 Days
with the Poor (Frank Padilla), Piano for Dummies, Idiot's Guide for Dating, How to
draw a woman's body, Idiot's Guide for Verbal Self-Defense. Ilocano Survival Book,
Paolo Coelho Books. Harry Potter Books, Eve's Diary, Still have many books to
read...
*Favorite Pet(s):Dog and Cat lalo na
pagmagkasama sila
*Favorite Color: Blue and orange
*Favorite Quote/s: if p then q
  Thursday, February 14, 2008
Sabi nung boss ko sa dati kong kumpanya. "Rolling Stones gather no moss".
kaya sabi ko naman,
"Rolling stones may not gather much moss but they will tend to be rounder ,shinier and smoother". Tapos naisip ko pa pareho lang din naman silang maeerode, at sa mga stagnant, yung mismong moss nila ang sisira at magpapahina sa kanila.
Mas maliit at mas mabilog ang bato, mas malayo na ang nalakbay nito (Geo 2), mas madaling makarating sa dagat.
Mahilig kasi akong mag-isip ng mga kasabihan o quotes o kahit anu pang tanong tapos hinahanapan ko ng butas o pang negate. Minsan, hinahanapan ko rin ng pang-counter negate. Ganyan ang tumatakbo sa isip ko kapang hindi makatulog o gusto lang magpalipas ng oras. Kaya minsan kung may lumabas na ganung topic, medyo alam ko na yung mga pangsagot at pangdefense.
Pero di ko alam kung bakit naisip ko yan ngayon. Paano ko kaya iyan idudugtong.
Siguro nga, isa akong rolling stone hindi dahil palipat lipat ako (ng bahay 3 in 3 months dito sa Manila) kundi literally, mas gusto ko laging gumagala kung saan saan kahit di ko alam ang pupuntahan.
Agent 0795
Nung last week, habang nag-iinternet ako, napunta ako sa website nitong isang church tapos naisip ko lang na puntahan. Ang rason ko lang ay gustong magkaroon ng misyon na kakaiba para sa week na yun kasi natapos ko naman yung module ko para sa project. Nagsearch ako ng lokasyon nung simbahan at paano pumunta. Tinitingnan ko sa google maps yung mga posibleng palatandaan saka mga letrato ng mga katabing buildings. Niregister ko sa utak ko lahat ng posibleng refrences para makapunta dun. Ako na mismo ang nag curse sa sarili ko na kapag di ko yun mapuntahan within that week, mamalasin ako the next week.
Saturday
Di ako natuloy kasi pumunta ako sa Cavite sa Tita ko. May maling nagbalita kasi sa akin na lalaya na raw yung asawa nya after 17 years na nakakulong. Isang araw akong tumambay at nagbaby sit ng mga pamangkin.
Sunday
Umuwi ako at nakabalik lang ng mga 10 AM. Pero dahil nakapag commit ako sa sarili ko, hindi ako mapakali na hindi tumuloy. Pagkatapos kong magpahinga at maligo, Lumarga na ako para sa misyon.
The Saga begins
mga 11:30 AM, pagkababa ko sa MRT nadaanan ko itong isang matandang bulag na nag-gigitara habang kumakanta nung familiar na song na may lyrics na
"Drea-ea-ea-m,dream,dream,dream,drea-ea-ea-m,dream,dream
Whenever I want u all I have to do is drea-ea-ea-m".
Tumawid ako ng kalsada pero di ko alam yung sasakyan na jeep. Pero nagdecide akong sumakay nung isang jeep kasi alam ko deretso lang naman yung daan dun. Dun ako pumuwesto sa harapan malapit sa driver para madaling makapagpara kung may nakita na akong palatandaan. Pero wala pa lang akong nakikitang familiar na mga buildings mula dun sa mga letrato kong nakita sa internet ay biglang nag U-turn pabalik yung jeep. Para hindi na ako mapalayo pa, pumara na lang ako na parang kunyari dun talaga ako bababa. Dahil dun, nagutom tuloy ako kaya nagdecide akong kumain muna bago ipagpatuloy ang misyon. Napansin kong sarado yung mga kainan dun maliban sa ilang mga karinderyang napuno na ng mg mga gutom na driver. Napansin ko yung pangalan nung isang restaurant na sarado. Parang narinig ko na sa mga usapan nung mga office mates ko nung nag-uusap sila tungkol sa mga pagkain. "ClassMates" yata yung pangalan pero nakakapagtakang mga sarado yung mga establishments dun. Tumingin ako sa direksyon nung pupuntahan ko. May mga nakita akong mga hanay ng mga overpass kaya nagdecide akong maglakad na lang muna hanggang makakita ng makakainan. Medyo mainit yung sikat ng araw dahil mga tanghaling tapat na pala at nahinto na lang ako dun sa ChowKing. Umorder ako ng pagkain na maraming rice para extra energy. Umakyat ako sa upper floor para maghintay na lang ng inorder ko. Napansin ko na ako lang yata ang tao sa buong floor na yun.
Pagkatapos kong kumain at magpahinga, nagsimula uli akong maglakad at kahit sinasabi ko na sa sarili ko na tumawid na lang at sumakay uli ng jeep, tinutulak pa rin ako ng paa ko na maglakad na lang. Halos tatlong overpass ang nalampasan ko para magdecide na tumawid. Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang mapansin yung mga batang pagala-gala sa tabi lang ng kalsada at ilang mga lalaki na natutulog sa may lilong malapit lang sa roadside. Di ko talagang maiisip kung pano nila natitis na makapagpahinga sa napakapanghing lugar na iyon. May nakita pa akong isang lola na siguro ay may edad na mga 70 plus na natutulog lang dun sa kariton malapt sa kalsada.
Cross Road
Nakakita na rin ako ng familiar na palatandaan na ibig sabihin ay malapit na ako dun sa pupuntahan ako. Nasa top view kasi ang pagkakaregister nung buong lugar sa isip ko. Lumiko ako ng kalsda at pinagmasdan yung isang malaking gusali na parang isang istrakturang ginawa pa noong ancient Greece. May nakasulat sa harap nito na katunog ng pangalan ng isang quartet string + drums OPM band.
Climax
Lumiko uli ako sa isang medyo maliit na eskinita. Alam kong sa dulo nun ay nandun na ang simbahan na hinahanap ko. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang ang pupuntahan ko ay isang lugar na lumalabas lang minsan sa isang daang taon.Dahan dahanang naglakad papalapit at para naman medyo espesyal ay sa gitna ako ng kalsada naglakad. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko... baka may masalubong akong di inaasahan. Sabi nga nila, "Fate is building bridges of chances". Medyo masikip ang eskinita at may mga lalaking nagbabasketball sa daan na mga nakahubad pa ng damit at malalaki ang katawan. Halata sa mga hugis ng kanilang masel ang hirap at bigat ng kanilng mga binubuhat.
Pero di ko sila inalintana at naglakad pa rin ako papunta sa dulo. Nabigla ako dahil biglang may kumalabog sa likod ko. Nadapa at nawalan ng balanse ang dalawang batang nagroroller blades ngunit maswerte sila dahil konting galos lang ang natamo nila.
Nakarating din ako sa harap ng church. Pinagmasdan ko ang lugar at mga taong lumalabas at pumapasok dito. Sa bandang taas ng building ay may nakalagay na tarpauline tungkol sa simbahan at malaking letrato ng isang lalaki na mga late 30s o early 40 years old tingnan. Medyo familiar sa akin yung mukha nung pastor ng simbahan pero di ko maalala kung bakit. Mga ilang sigundo pa ng pag-iisp ay napangiti ako sa naalala ko. Kung titingnan ang ngiti, mukha at salamin, kahawig na kahawig yung pastor nung office mate ko. Ang tingin ko tuloy dun sa pastor ay yung older version ni Joey
na team mate at group mate ko rin sa module na nak-assign sa akin. Di ko mapigiling ngumiti dahil sa para silang pinagbiyak na bunga at sa tuwing maalala ko si Joey napapangiti ako dahil sa kanyang pagiging kwela sa team. Napapatawa akong mag-isa kahit may ilang napapatingin sa akin. Nasabi ko na lang, "God can also make a joke", "Kahit wala akong kadate ngayong Valentines Day, masaya na ako..."
Denouement
Inubos ko lang ang C2 kong binili sa tindahan sa tapat ng simbhan at pagkatapos ay nagdesisyong lumakad na palabas ng eskinita. Di ko parin mapigilang ngumiti habang naglalkad papalayo. Sumakay ng jeep pauntang MRT station. Nandun pa rin ang matandang naggigitara at sa dati paring himig ng awiting...
"Drea-ea-ea-m,dream,dream,dream,drea-ea-ea-m,dream,dream
Whenever I want u all I have to do is drea-ea-ea-m"
OT
Dahil medyo maaga pa. Nagdecide uli akong magstroll.. pumunta ako sa UP.
itutuloy
penned my thoughts
at [12:01 PM]
::ARCHIVES::
|
Blogskins radioblogclub.com blogger.com flickr.com friendster.com photobucket.com filepost.us 100webspace Myfilehut [...] |
|