Kindness in words creates confidence.
Kindness in thinking creates profoundness.
Kindness in giving creates love.
Lao Tzu
BS. Computer Science Student at Baguio. Likes web designing, 3D modeling, photo
editing and stargazing...
Likes spending the night in front of his PC while sipping his hot mocha coffee.
Likes to be alone in his room so he can sing his songs, play his guitar and recite
his poems. Likes taking pictures while strolling around the city of pines alone.
Birthday - D-Day
.:. Favorites .:.
*Songs - Classical (strauss and sort), music by the Beatles, Coldplay
Mew, Travis, Sigur Ros, Oasis, Radiohead, Eraserheads, enya, Switchfoot
*Movies - K_Pax, Forrest Gump, Contact, My Sassy Girl, Far and Away, Disney
Movies, Sunshine, Monster House,Apocalypse Now, 3-Iron(Bin-Jip),Shrek movies
*Favorite Books(s):The Yin Yang of Programming, Bible, Quran, What the Buddha
Taught (Walpola Rahula) . Kiss of the Spiderwoman (a very gay book), Karaoke Song
Playlist, Beyond Good and Evil (Friedrich Nietzsche), Crime and Punishment (Fyodor
Dostoevsky), The Final Theory (Mark McCutcheon), God's Debris (Scott Adams), 40 Days
with the Poor (Frank Padilla), Piano for Dummies, Idiot's Guide for Dating, How to
draw a woman's body, Idiot's Guide for Verbal Self-Defense. Ilocano Survival Book,
Paolo Coelho Books. Harry Potter Books, Eve's Diary, Still have many books to
read...
*Favorite Pet(s):Dog and Cat lalo na
pagmagkasama sila
*Favorite Color: Blue and orange
*Favorite Quote/s: if p then q
  Friday, August 26, 2005
Nagiging habit ko na talaga na tumambay sa ComSci Lab tuwing lunch break. Eh kasi naman di ako makakain at nakakabusog na kapag nasa harap ako ng computer.
Lagay na lang ako ng mga pictures
Ito ay kuha sa Software na Google Earth. Yan ang image ng Aurora, kung saan ako nakatira, mula sa space. Yung red ay yung palagay kong location ng bahay namin.
Isa pa.. mas malapit.. this is particularly Baler. Pinagsamang digital picture at graphics para maging detalyado ung colors. Yung red yung bahay namin.
Yan naman ang gitara ko nung maganda pa. Ngayon ay medyo sira na kasi kung saan saan na nakakapunta. Sa links part nito, nandun yung iba pang pictures.
penned my thoughts
at [12:41 PM]
  Thursday, August 25, 2005
Stalker na lang yata ako habambuhay penned my thoughts
at [7:23 PM]
  Monday, August 15, 2005
My face lit only by the glowing CRT. The temperature drops by about 12 deg, the window glass is covered by fog droplets, and the only thing to do is...Get a sip of my favorite mocha cofee. penned my thoughts
at [11:47 PM]
Break..nasa computer science lab.. ako lang nnd2 kasi naglulunch na yung iba... penned my thoughts
at [12:11 PM]
  Sunday, August 14, 2005
He he he, personalized na itong blog ko. Ilang oras ko rin itong cinode at inayos sa photoshop. Maulan ngayon at ako'y naglalaba habang nakikinig sa mga nime music. Daming papers na dapat tapusin. Makawalang ganang mag-aral kapag naulan kasi di ako comfortable na mkpagisaip. Nandito pa ako sa Baguio. May balita about dun sa Trend Micro na IT computation, gusto kong sumali kaso konti lang ang may interest sa amin. dapat ay 5 to 6 members kaya di ako makaksali. LOner kasi at dun, 1 million ang prize.
penned my thoughts
at [1:23 PM]
It may be misery not to sing at all, penned my thoughts
at [3:04 AM]
Let me tell you a story,A story very sad,About a world turned upside down,For a certain mom and dad. penned my thoughts
at [2:50 AM]
A stranger you were once. penned my thoughts
at [1:56 AM]
Maraming target, pero di maaksyonan. Maraming gusto pero di magawan ng paraan. Hanggang tinggin na lamang...
Malabo ba ang pinagsasabi ko. . .basahin nyo na lang ito.
Kakaiba ang birthday ko sa taon na ito. Imbes na nagsasaya ako ay nandoon ako sa UP Diliman at pumupila ng ilang oras para sa isang papel. Nakakahiya man pero nandoon ako para magremove ng isang subject. Nagsummer kasi ako dun, kinuha ko yung isang Math subject na prereq ng isang comsci class ngayon na seasonal lang lumalabas. Kaya, kapag hindi ko nakuha, delayed ako ng atleast 1 year or worse. Hindi ko nalaman na may sinet palang removals kaya ako na lang mag-isa ang di pa naiaayos ang lahat. Yung ibang kasama ko mula sa Baguio ay pumasa at syempre yung iba ay bumagsak. Ako lang ang kwatro.
Bumaba ako ng JUne 5, sunday mula dito sa Baguio. First time ko na talagang lumuwas sa MAnila ng mag-isa at wala akong alam na matutuluyan. Nung summer nga eh nahirapan pa ako kahit may ibang kasama. Habang mag-isa sa upuan, ay pilit na inaalala ang mga pinagaralan at binasang reviewer ng umagang iyon.
Dumating ng 2:30 ng hapon at sa wakas ay may alam naman na kahit papaano sa mga sa pasikot-sikot sa maynila. Dati kasi, lagi kaming nakasakay sa sasakyan namin na minamaneho ng isa kong pinsan. Ang isang palatandaan ay ang SM. Tinext ko yung iba kong kaklase na kilangan ko ng tutuluyan kahit 2 araw lang. Kaso, malas, di ko sila makontak...
Wala akong matutuluyan... Pero sa isang iglap, naisip ko yung isang boarding house na supposedly titirahan ko kung di ako natanggap nung summer sa Molave Dorm. Yun yung bahay na nakuha ko yung number sa kadesperaduhan sa isang waiting shed. Di nga raw nila maalala na nagpost sila ng posters, tapos narealize nila na ilang years na nakalagay yung nabasa ko. Ngayon ay isa nang hulog ng langit.
No choice na talaga kasi yung mga Dorms sa UP Diliman ay di nagpapatransient at di makuha sa awa, lalo na sa mga lalaki.
Mga 5:30, at pumunta ako dun sa bahay sa may Teacher's Village yata, tumayo sa harapan ng pinto.. Kumatok ng ilang beses... Isang minuto na akong kumakatok pero walang lumalabas. Medyo binuksan ko yung pinto at nakita ko yung isang babae na nanonood ng TV. Napakadesperado ko ng makahanap ng matutuluyan.
After ilang sigundo kong tinititigan yung babae ay napansin din ako at tinanong kung ano ang pakay ko. Sinabi ko na "Pwedeng transient po kahit 2 araw lang". Tinawag nya ang lola nya na nakilala ko naman na dati kong pinagtanungan noong summer. Tinitigan ako ng matagal ng matanda, sabay sabi ng "Sorry kaso hindi kami tumatanggap ngayon ng transient". Nagpumilit ako, at nagsalita salita ng mga alibi hanggang mabanggit ko ang pangalan ni Arvin. Si Arvin ay isang Com Sci na nainis sa akin noong last sem kasi nilalait ko yung project ng isang babae at nalaman kong siya pala ang gumawa noon. Nagsummer din si Arvin at doon siya tumira.
Ng marinig ng landlady yung pangalan ni Arvin ay, napahinto at tinanong na "Si Arvin ba kamo?". Tapos pinapasok ako hila-hila ang kamay ko. Tapos nagsalita ang landlady na kung di ko binaggit si Arvin ay di raw nila ako tatanggapin. Mabait daw si Arvin at ang sinabi ko na lang ay close kami kahit di naman talaga. Hmmp, nanggamit pa ako ng pangalan. Galing talaga, ang mga di mo ineexpect na tao ang makakatulong sa iyo minsan.
Kinagabihan ay pinaghanda ako ng higaan at pinakilala sa ibang borders na parang isa akong celebrity ng gabing iyon. At ang maganda pa ay pinakain nila ako ng libre. Lahat ng boarders ay tinatanong ako tungkol sa buhay sa UP Baguio. Sinabi ko na masarap mag-aral lalo na sa mga COmSci na may unlimited acces sa internet kasi sila ang nakakalam kung paano imanipulate yung mga computers. Iyon din pala ang sinabi ni Arvin at parang naging isang Fantasy land ang UP Baguio sa kanila. Nakahinga ako ng malalim ng gabing iyon at nagreview para sa pag-aayos ng papel kinabukasan.
June 6: Birthday ko. Naligo ng 6 am, pinakain uli, ng libre. At tuloy pa rin ang interview sa akin. Pumunta sa OUR ng mga 7:30. Mahaba na agad ang pila, marami pang mga Upian na nagpapaenrol..Mga pasaway talaga. First day ng sem at aabsent ako ng isang araw.. Kumuha ng removal slip at ilang beses tinetext yung teacher na magpapaexam sa akin... Ang kulit ko noon na baka naiinis na yung prof.
Ilang oras na pumila, bumalik sa office ng Prof sa Math Building, pumunta sa Cashier para sa isang papel, bumalik uli sa math building pero wala pa rin yung teacher. Ilang beses nagpapabalik-balik sa OUR sa Math Building, at sa Cashier. Ilang beses akong paikot-ikot at marami akong nagastos na pamasahe sa Ikot Jeep.
Ng mga 12 oclock na, pahinga muna sa kakapila at pumunta ako sa Lutong bahay, na paborito naming kainan ng mga Molave Room mates ko noong summer. Sarap talaga noon ng feeling na kumakain ka ng pinagpapawisan ng todo di katulad sa Baguio.
Nang mga 1 oclock ay tuloy ang pila. Sa Cashier malapit sa Shopping Center ang next Pit Stop. Mahaba rin ang pila. Medyo nahindagan na ako noon kaya go uli. Nasa harapan ko ang isang babae na nakaputi ng T-shirt. Hindi ko maalala pero nagsimula kaming mag-usap habang nakapila. Mga ilang minuto ay narealize namin na mali pala ang pinipilahan naming dalawa. Kaya napunta uli kaming dalawa sa dulo ng kabilang pila. Napatagal tuloy kami ng mga 30 minutes na talagang nakakasakit sa ulo.
Nalaman ko na isang Broadcasting Student siya. Taga Tugegarao City siya na tumatak sa isip ko. Talagang tumatak... Third year siya at marami kaming napag-usapan. May usapan tungkol sa 2 child policy, na usapan sa K-Lyt bago ako bumaba at sa Economics. Natutuwa lang ako sa kanya kasi ang dami niyang alam. Nakakarelate siya sa mga sinasabi ko at nakakaabot sa aking mga pinagsasabi (He he he yabang ano). Pinag-usapan namin yung sinasabing pinakamainit na temperature noong Summer at nabanggit ko rin na sa Tuguegarao ay ang pinakamainit na lugar sa Pinas. Syempre, kinukuwento ko rin tungkol sa Baguio at sa mga buhay buhay Upian. Kinukwento ko kung gaano kahirap magpatuyo ng damit, gaano kalamig ang ulan, gaano kasarap matulog. Hindi ko napapansin na palapit na palapit na kami sa cashier at parang nasa isip ko na sana ay humaba pa ang pila. Pero tuloy pa rin ang usapan namin hanggang sa pareho na kaming magbabayad. Nauna akong matapos at nauna ring lumabas, naglakad na parang ayaw ko pang pumunta sa pinaka-last Pit stop ng pagpapaayos ng papel. Nasa isip ko kung dapat ko munang iprioritize ang goal ko kung bakit ako nandoon o pakakawalan ang oras. Kailanagan ko pang asikasuhin ang papel at dapat ay magreview pa para sa Exam,. Naguguluhan ako kung dapat bang kausapin ko pa siya. Naiisip ko pa nga eh..
"AH eh, gusto mo munang kumain ngayon, Birthday ko kasi, wala kasi akong kasamang magcecelebrate, akong bahala sa bayad..Treat kita.."
Naguluhan ako at di ko napansin na nakaalis na siya, nakita ko siyang pumunta muna sa Shopping Center na parang may hinahanap. Tapos naglakad sa kabilang direksyon. Nakalayo na pala siya habang tinititigan ko lang. Hindi ko alam ang gagawin at ng magtagal ay hinabol ko ng lakad. Ngunit di ko napansin sa dami ng mga humaharang sa paningin ko na nawala na pala siya. Ang babaeng nakaputi ng damit, naka pure white... The White Rabbit, aba, bagay sa Title ah...
Parang, naguluhan ako, inisip ko na anong ginawa ko o hindi ko ginawa. Yun na ang huli naming pagkikita at wala man lamang espesyal na nagyari.
Pumunta sa OUR. Tinapos ko ang papel at umuwi sa boarding House.
Birthday ko, isang napakatalinong babae ang nakita ko. Kinagabihan, pinakain na naman ako ng libre. Naging close kami ng mga boarders at parang gusto ko ng doon tumira. Lagi kasi akong nag-iisa sa Baguio. Nang gabing iyon ay lumabas kami at pumunta sa Krus na Ligas at sinamahan ang ilang freshies na maglibot para maging familiar doon.
Umuwi, kumain uli at natulog ang iba. Supposedly ay dapat nakauwi na ako at natapos na ang pagreremove ko kaso nalate ako sa pagpapasasa ng papel. Mabuti na lang at mabait ang prof kaya pinayagan akong magexam kinabukasan. Masasayang sana ang pera kong nagastos sa pagluwas. Magrereview pa pala uli ako ng mga lectures.
Pero ng gabing iyon ay di ako makapag-isip ng maayos, nagsisisi kung bakit ko pinakawalan ang isang bagay. Masama ang loob ko at kinabukasan ay aalis na ako. Paano kaya kami muling magkikita. Buong gabi akong nag-iimagine kung paaano ko dapat sinabi yung mag lines saka nagiimagine ako ng mga posibleng nagyari. Nahulog na yata ako sa babaeng iyon. Pero di ko alam, naguguluhan ako. Ilang oras lang kaming nagkita at bakit ganon ako...
June 7:
Nagising ng umaga, as usual, pinakain uli at nakichika sa mga boarders. Feeling celebrity ako doon kaya sobrang saya ko. Naligo ng maaga at pumunta sa Math Building para magremove, wala si Sir sa Math Building at nasa College of Science kaya lakad uli. Sinamahan nya ako sa MAth BUilding at binigay ang Test Questions na may malaking epekto sa aking buhay. A Decision between heaven and Hell. Kasama ang mga kabatch o mapapasama sa mga madedelay ng 1 year?.
Natapos ko ang exam ng mga 2 hrs at pinasa. Kumain uli sa Lutong Bahay. Umuwi sa boarding House, kinuha ang gamit, nagpaalam sa Landlady na ang tawag ko na ay Mommy. Nagbayad at inayos ang higaan na tinuluyan ko ng ilang araw at magpapaalam sa mga taong napamahal sa akin ng ilang araw lang... napakadrama ko pero totoo yun... Parang gusto ko na ngang tumira dun pag magmamasteral ko.
1:23 pm. Sumakay ng Ikot Jeep at pinagmasdan ang College of Mass Com Building habang iniisip na bumaba baka sakaling makita siya.
2:10 pm
Pumunta sa Bus Terminal ng dagupan Bus. Parang ayaw ko pang umalis kasi parang kulang. Malungkot, Nagsisisi...
2:20.
Umalis na ang Bus, Sa loob ng anim na oras na byahe ay iniisip ko pa rin ang babaeng di ko man lang nalaman ang tunay na pangalan.
itutuloy...
Very busy night but i cant let this thought be streamed away by this hectic shedule. My head barely blows out of confusion. Thinking about #$@ *^&%
Listening to Norah Jones, looped Jazz music keep on playing over and over again. Gonna change to classical so my brain could work.
Sometimes blogging releases all these stresses. Yeah actually, just making my self busier. Stressing my brain much more, squeezing it so hard so all those stocked ideas come out. (I use big calliper and placing pillows between it and my head so it wouldnt hurt).
Just wonderin why people tend to be enjoying more when alone. Nahh, maybe im just the only one. It's not that i want to do something all alone (hmm), Those times let me talk to myself(intrapersonal) (literally). Pretending to be B1 and B2 at the same time.. Right B2.. Yup, ur ryt B1..undoubtly.
I fell asleep on my afternoon class and i have so many techniques to pretend that im still awake. Using a cap, or using a paper to pretend as a scope for the other eye while pretending to be just playing with it, but actually, both eyes are closed. Getting high (coz of the lazy afternoon light) is the most ORGASMIC (source: my female teacher(only the use of this word, not the context)) feeling i could ever have, trying to stop myself from its tantalizing feeling, but could easily make me fall for it (of course, the true meaning would be better). Sleeping in the class...It happens all the time espcially while with my favorite prof. He taught me how to be INDEPENDENT. Thses profs teaches me the profession of self studying. tHen continuing my disrupted dream.
It's 11:59, it's the same, it's the same.
Maraming dapat asikasuhin, maraming papel n dapat gawin. Marming pkikipagkaibigang dapat ayusin at maraming pagkain na dapat kainin.
Magulo ngayon ang bansa, magulo ang politics at balita kahapon na may isang amerikano n nagsasabing doctored ung Graci tape.Dami nang nasayang na laway sa hindi matatapos tapos na bangayan.
Kahapon, nagdownload ako ng font ng alibata at lahat ngayon ng message ko ay nakasulat sa alibata. Sana, sa Pilipinas ay pinapakalat ung font ng alibata para naman may sarili tayong characters. Khit di man lang natin gamitin in general basta may alam tayo kung pano ang takbo kultura nating mga Pilipino bago ang panahon ng mga Kastila.
Nagbasa-basa ako sa mga researches tungkol sa bansa natin at maraming mga nakalap na info na konting Filipino pa lang ang nakakaalam. Kapag nalaman mo na mayaman at maganda pala ang kultura nating mga Pilipino, magiging proud ka at pabubulaanan na ang mga dayuhan ang nagmulat sa atin na maging sibilisado. Halos katulad ko rin itong isang Upian na Si Hector Santos na computer science na mahilig pag-aralan ang History ng Pilipinas. Bisitahin nyo na lang yung site nya o iba pang dapat malaman nating mga Pilipino. baka may malaman kayong bago kahit luma na( http://www.bibingka.com/pages.htm). Download din pala kayo ng font. Sinabi nga pala na ang alibata ay galing sa 1st 3 words ng arabic alphabet. Layo di ba? basta, dapat lahat tayong mga Pilipino ay dapat may kaalaman sa pamayanan nating ginagalawa.
Madalas sabihin ng madami, "wala akong pakialam sa politics", "lugar lang yan ng mga politiko", pero ang katotohanan mga kapatid ay hindi natin maiiwasan ang mapasama sa usaping ito. Kapag mahal ang pagkain, tayo ang naapektuhan, kung mahal ang pamasahe ng jeep, tayo ang nahihirapan. Ito marahil ang isang tatak ng UP kung bakit nagiging prestisyosong unibersidad, dapat may masusuing pag-aanalisa hindi lang sa mga Sciences, math, kundi kasama rin ang pamayanan. Tingin sa mga UP ay aktibista at rally ng rally. Pero sa panahong ito, mahirap na talagang turuan ang bayan. Parehong ang mayayaman at mahihirap ay nabubulag. ANg mga mahihirap ay natitiis ang mga pasakait, samantalang ang mga mayayaman(lalo na ng mga matataas na katungkulan) ay madaling maakit sa abot-kamay na kayaman. Nakakatuwa na sa totoo lang ay di nila alam ang kanilang ginagawa, di nila alam kung gaano kalaki ang epekto ng kanilang ginagawa na sa kanilang sarili ay tinuturing lang nilang isang simpleng gawain.
Isang magandang solusyon ay iparandam sa kanila o iexpose ang kahirapan na natatamo ng bayan. Hindi sa pamamagitan ng karahasan, kundi sa pamamagitan ng pakikisalamuha at pagsubok sa buhay na simple lang.
Sobrang laki ng agwat ng mahirap at mayaman... Gawad Kalinga envisions this strategy... Im a advocate for this... not beacuse im a yfc but this ideology is truly wonderful. Focusing on both functional and relational aspect of nation building...
Tama na muna ang usaping ito...
Analyze muna natin ang bansa natin.
Well... ang bansa natin ay sa totoo lang ay walang matinong industriya. Late tayo ng mga 50 to 75 yrs sa Japan at US at ngayon ay napag-iiwanan na ng mga kapitbahay nating bansa sa SEA ng almost 15 yrs. Kasi daw tayo, karamihan ay propose at walang pagtingin sa resources. Dapat kailangan din natin ng assesment. Karamihan sa mga produkto, o industriya natin ngayon ay nakabase sa importasyon at modification ng mga foreign na product at machineries. Malabo pa ang ating Research and Development System kasi nakabase tayo sa pagtanggap sa mga gawang dayuhan. Dapat talaga magfocus tayo sa ating mga longterm goal na itutuloy kahit bago na ang administrasyon. Dapat iestablish natin ang ating manufacturing capability para maiwasan ang sobrang imporation.
Marami nga pala akong readings about sa mga analysis na ito na dapat ay mabasa din ng bawat Pilipino para naman mayroon na tayong malinaw na target at di nakasalalay sa trial and error na pagkilos.
Pero may isa daw industriya ang Pilipinas na nakakaangat na nahihimik lang. Nangunguna raw tayo sa teknolohiyang Geothermal at pumupunta ang mga dayuhan para mag-aral nun sa atin. Pero mahirap talgang maestablish ang ating industriya lalo na kapag hindi pa nagkakaroon ng pusong Pilipinong gustong iaangat ang katayuan ng Pilipinas. Sobrang dami ng unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas pero karamihan ay di nabibigyang diin ang kalidad. Nakaktakot daw ito. Tuluyan na lang bang bababa ang ating ekonomiya at sa susunod ay ang ating self steem as a Filipino. Nalalampasan na tayo...ahhh.
And to go silent through the brimming day;
It may be misery never to be loved,
But deeper griefs than these beset the way.
To sing the perfect song,
And by a half-tone lost the key,
There the potent sorrow, there the grief,
The pale, sad staring of Life's Tragedy.
To have come near to the perfect love,
Not the hot passion of untempered youth,
But that which lies aside its vanity,
And gives, for thy trusting worship, truth.
This, this indeed is to be accursed,
For if we mortals love, or if we sing,
We count our joys not by what we have,
But by what kept us from that perfect thing.
They had a couple teenage twins,Who were on the honor roll at school.They were liked by all their teachers,And their peers thought they were cool.
They both excelled at football,And were captains of the team.The world was handed to them,On a platter so it seemed.
Both of them were seniors,With just a dozen days to go.They had scholarships to Kansas,With dreams of turning pro.
Senior Prom was May the 20th,It was a night to party loud,A night no matter what you did,You'd be untouchable like a cloud.
Jake and Joe knew what they had,A future paved in gold,With pen and paper in their hand,To write the greatest story told.
Both of them knew right from wrong,They knew the pressures that they faced,For if they gave in just this once,It could kill the dreams they chased.
When they arrived to party,They saw a dozen kegs or so,But figured they'd be pure as rain,If they stood their ground with, "No."
"Hey Jake and Joe, how 'bout a drink?We've got some Miller and Miller Light.""No, thanks," said Jake, "I'd rather not,I think I'll drink some Sprite."
"Oh come on Jake, it's just a drink,Don't be a wimp my friend.""Hey, Jonny, look, I just said no,Now don't you ask again."
Jake and Joe both watched their friends,Pass out upon the floor.They sat and watched for hours now,And couldn't take it anymore.
All around the floor they saw,Their friends in puke and beer,And up upon the ceiling,Food on the chandelier.
They got up and grabbed their things,And out the house they soared,To leave the house that made them sick,And jump into their Ford.
Jake and Joe both slammed their doors,Started the car and shifted to drive.They smiled and laughed and hollered aloud,Just happy to be alive.
Jonny came staggering behind them,As the boys drove down the street,"No fair, you've got ahead of me,But Jonny won't be beat."
Jonny climbed into his truck,Painted black with a stripe of blue,"Nobody's faster than Jonny Day,I'll show the two of you."
Jonny spun his truck around,Then put the pedal to the floor."I'll show you boys who's faster now,And who the chicks adore."
Jonny never slowed a bit,He was blowing by cars like wind,He saw a Taurus in front of him,"There you are," he grinned.
Jonny saw some lights ahead,Red lights blinking and coming down,And the Taurus in front had come to a stop,Jonny's grin was now a frown.
He screamed and hollered and honked his horn,But hit the Taurus in the back,And sent Jake and Joe full steam ahead,Onto the railroad track.
Jonny watched in terror,As the train plowed through his friends,And watched their hopes and all their dreams,Come to a bitter end.
Jonny knew just what he'd done,And he knew exactly why,But he was shocked and numb still yet,To shed a tear and cry.
How could he have done this,What will the people say,"Oh God, I pray, please help me,Help sinner Jonny Day!"
He climbed out of his pickup truck,Still deeply horrified.He walked out onto the railroad track,Sat amongst the wreck and cried.
This story may be fiction,False, without an ounce that's true,But no one is beyond this,Not even me or you.
So when you decide to drink,Please keep us all alive.Enjoy yourself and have some fun,But please don't drink and drive.
Then, with a gentle look you took my hand.
As our lives engaged,
you lit my life and I held both your hands.
Now that decades have passed,
ours souls have indeed become one.
How fortunate we are
that we have found the love so true
that everyone dreams about.
- Laura Veronica Merodio -
::ARCHIVES::
::RECENTS POSTS::
|
Blogskins radioblogclub.com blogger.com flickr.com friendster.com photobucket.com filepost.us 100webspace Myfilehut [...] |
|