Kindness in words creates confidence.
Kindness in thinking creates profoundness.
Kindness in giving creates love.
Lao Tzu
BS. Computer Science Student at Baguio. Likes web designing, 3D modeling, photo
editing and stargazing...
Likes spending the night in front of his PC while sipping his hot mocha coffee.
Likes to be alone in his room so he can sing his songs, play his guitar and recite
his poems. Likes taking pictures while strolling around the city of pines alone.
Birthday - D-Day
.:. Favorites .:.
*Songs - Classical (strauss and sort), music by the Beatles, Coldplay
Mew, Travis, Sigur Ros, Oasis, Radiohead, Eraserheads, enya, Switchfoot
*Movies - K_Pax, Forrest Gump, Contact, My Sassy Girl, Far and Away, Disney
Movies, Sunshine, Monster House,Apocalypse Now, 3-Iron(Bin-Jip),Shrek movies
*Favorite Books(s):The Yin Yang of Programming, Bible, Quran, What the Buddha
Taught (Walpola Rahula) . Kiss of the Spiderwoman (a very gay book), Karaoke Song
Playlist, Beyond Good and Evil (Friedrich Nietzsche), Crime and Punishment (Fyodor
Dostoevsky), The Final Theory (Mark McCutcheon), God's Debris (Scott Adams), 40 Days
with the Poor (Frank Padilla), Piano for Dummies, Idiot's Guide for Dating, How to
draw a woman's body, Idiot's Guide for Verbal Self-Defense. Ilocano Survival Book,
Paolo Coelho Books. Harry Potter Books, Eve's Diary, Still have many books to
read...
*Favorite Pet(s):Dog and Cat lalo na
pagmagkasama sila
*Favorite Color: Blue and orange
*Favorite Quote/s: if p then q
  Sunday, September 11, 2005
It is recommended to read the Follow the White Rabbit 1 first.
Nakauwi ako sa Baguio, syempre ng safe. Nagiisip pa rin talaga ng malalim tungkol sa babaeng nakausap sa isang mahabang pila. Tanga ko talaga.. Pero good news naman... sabi nung prof ko thru text, pumasa daw ako sa Removals... yes.. di nasayang ang pagpunta ko dun. Kaya kasi di ko masyadong naasikaso yung babae kasi baka maiba yung goal ko sa UP Diliman. Dapat focus sa studies.
Ilang beses akong nanaginip tungkol sa mga pinagusapan namin. Marami kaming nalaman sa isat-isa pero di man lamang kumuha ng contacts, di sana ay di na ako naghihirap... As a comsci, walang maiisip na paraan kung hindi gamitin ang technology ng Internet na na prove ko ng useful sa akin.
Una, sa friendster, nagtingin sa mga almost 1000+ na lumabas na profiles na pinagtitiisan kong isa-isahin at himay-himayin... Kaso, malabo. Sa search engine... Inalala ko uli yung mga tagpo habang nag-uusap kami... May naalala akong nagtawag sa kanya... Kakilala nya at tinawag yata siyang "Rhea".. Tama kaya??? KAso ang daming rhea sa friendster tapos di ko pa alam kung ganon ang name nya kasi pwedeng baguhin yun sa account settings. Nag-iisip ng mga senaryo para sa ibang clue. Para akong nasa X-files o anti-trust. Oo, naglakad sya noon papalayo, hmmm... papuntang Ilang2x Dorm na Dorm ng mga babae... Search sa net... Tumawag at naubos ang load sa pagtawag sa hotline nila.... May mga nakilala pala ako sa 1 and 1/2 months kong pagtira sa molave dorm at nakipag chat at text para mag-imbistiga. Tinanong ko kung may rhea silang kakilala sa ilang-ilang. Sabi nila, wala pero ria meron, yung super pretty daw na babae Nabuhayan ako kaso di ko alam kung siya ba ung super pretty...... Brainstorming for clues and ideas... Nagtext ako sa mga nakilala ko sa ibang class hanggang makaconfirm ako sa isang groupmate ko sa STS na kilala siya at nagfit yung mga clues... Eureka!!! Isang text na lang... itatanong ko yung num... Kinakabahan ako... Sigurado akong may num siya ni group mate kasi bestfriend daw sila... 5..4..3..2..1... Kaching.... Pumasok sa isip ko, ang tanga-tanga ko. Ano ang ginagawa ko. Niloloko ko lang ang sarili ko. Naghahanap ng isang magandang pagkakataon na napakahirap mangyari sa isang katulad ko. Bata pa nga ako na naniniwala sa isang pantaserye.... Pagkaisip ko ay di ko na tinuloy na magtext at huminga na lang ng malalim sabay bagsak ng katawan sa kama. Nag-isip ng malalim...
Kung isang tao nga na ginawan mo na ng lahat at sinuyo mo ng halos kalahati ng buhay mo ay nawala pa, lalo pa kaya yung mga ilang oras lang... Tanga... Nangangarap ka lang kagaya ng mga nobela mong pambata lang at isang imahinasyon. Tumulo ang luha... Di mo ba naisip na kaya ka nagremovals ay dahil naglasing ka bago ang exam at bago pumasok. Kasama mo siya ng buong buwan... Buong summer.. Araw-araw hinahatid... Binabantayan... At sa kabila ng mga panahong iyon ay wala kang magawa. Katabi mo sa klase at parang wala ka pa rin.... Ang dali mo namang makalimot. Dalawang klase ng summer at maganda ang performance ng kasama mo siya pero sinasakripisyo ang isa para itago ang lungkot... Bibo ka nga sa subject na kasama mo siya dahil, 15 min, tapos mo na ang exam.. Nauuna out of 170 students at matataas pa ang grade pero nakakalimutan mo na mas mahalaga ang isang subject...Tanga...
Sa totoo lang, natagpuan ko na ang lahat tungkol sa babaeng nakatagpo ko sa mahabang pilang yun. Alam ko ang full name, student number, course, pati bahay na yata.. pero, ano ngayon... She's superpretty.... Pero salamat kasi pinagaan nya ang loob ko... Hinilom nya ang mga sugat..Naks malalim.. Kaya ang masasabi ko na lang..And they lived hapilly ever after..Note: they..
Yun ang last time kong shot ng alak...100% pure ako ngaun.. No drugs, no smoke, no alcohol, etc...
end...
penned my thoughts
at [1:11 AM]
::ARCHIVES::
|
Blogskins radioblogclub.com blogger.com flickr.com friendster.com photobucket.com filepost.us 100webspace Myfilehut [...] |
|